HINDI nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa aniya’y sinasabing papatayin o tatanggalin siya sa puwesto dahil sa alegasyong extra-judicial killings sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte, naniniwala siya sa ‘destiny’ at kung sadyang anim buwan o isang taon lang siya magiging pangulo ng bansa, kanya itong tatanggapin.
Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi niya pipigilan ang mga gustong magkilos-protesta laban sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga na ikinamatay ng maraming drug suspects.
Kahit aniya isang taon, maging araw ng Linggo, ibibigay niya ang mga kalsada sa kanilang rally basta walang gagawing karahasan.
“You want to demonstrate? I give you the streets, 365 a year, 30 days in a month, seven days including Sundays, you can demonstrate just do not do violent things. Wala akong problema. Sabihin nila gusto ninyo akong patayin, tanggalin? You know I believe in destiny. I didn’t have the money, I didn’t have the machinery. Bilisan ko na lang. But I really do not know na dumating ako dito. Really. Ngayon dumating ako dito. Pag hanggang dalawang buwan lang ako dito, dalawang taon, isang taon, that is part of my destiny. Ngayong destiny is God iyon ang ibinigay sa akin ng Diyos, mag-Presidente ka hanggang isang taon ka lang, mawala ka, e that’s good,” ani Pangulong Duterte.
Kahit wala nasi Leni
DUTERTE MAKAPAGTATRABAHO
NANG KOMPORTABLE — ABELLA
KOMPORTABLE nang makapagtatrabaho si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong wala na sa Gabinete si Vice President Leni Robredo.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon makaraan mawala sa gabinete si Robredo.
“From his (Duterte) perspective, of course, he’s able to work more comfortably,” tugon ni Abella hinggil sa epekto ng resignation ni Robredo sa gabinete.
Hindi aniya komportable ang Pangulo sa mga paglahok ni Robredo sa mga political action.
Prerogative aniya ni Pangulong Duterte kung sino ang kukunin o sisibakin sa kanyang gabinete at nakabase ito sa personal na relasyon at tiwala niya sa kanila.
“It’s his prerogative to hire or fire or release Cabinet secretaries, Cabinet members. Remember that it is his personal choice and the relationship between Cabinet members and the President is based on relationship and based on trust. And should the President come to the point where he feels that he cannot fully work with or is uncomfortable with a particular Cabinet secretary, then it is his prerogative to release such a member,” sabi ni Abella.
( ROSE NOVENARIO )