KAPWA namatay ang dalawang binatilyong dati nang sumuko sa “Oplan Tokhang,” makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Patay na nang idating sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktimang sina Ace Bacoro, 18, at Randy Goroyon,18, ng Rockefeller St., Brgy. San Isidro ng lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 am habang nakatambay ang dalawang biktima sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at sila ay pinagbabaril. (JAJA GARCIA)