NAGKAINITAN sa pagdinig ng Senado sina Sen. Leila de Lima at PNP chief Director General Ronald dela Rosa.
Nag-ugat ito sa tanong ni De Lima ukol sa nag-utos kay Dela Rosa para i-reinstate si Supt. Marvin Marcos sa puwesto sa kabila nang pagkakaugnay ng opisyal sa isyu ng ilegal na droga.
Iginiit ng PNP chief, nagsalita na sa isyung ito si Pangulong Rodrigo Duterte kaya ayaw na niyang magbigay pa ng mga pahayag.
Pero inobliga siya ni De Lima na sagutin ang tanong para sa ikalilinaw ng pagdinig.
Sa puntong ito, bahagyang tumaas ang boses ni Dela Rosa at nasabing palit sila ng puwesto ng senadora.
Ngunit sinabi ni De Lima, sagutin lang ang tanong dahil ito ang dahilan ng pagharap ng resource persons. Inawat sila ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman, Sen. Panfilo Lacson at nagpatuloy ang pagdinig.