Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Lucena 1 patay, 2 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

NAGA CITY – Isang lalaki ang patay habang dalawa ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Diversion Road, Brgy. Domoit, Lucena City kamakalawa.

Kinilala ang namatay na si Regie Agunoy, 35-anyos, habang sugatan ang mga kasama niyang sina Renie Enteliso, 42, at Nikki Enteliso, 18.

Binabaybay ng isang van na minamaneho ni Enteliso ang kahabaan ng kalsada sa naturang lugar kasama ang dalawa pang biktima, nang mabangga ng pampasaherong bus na minamaneho n ng isang Rogelio Alegria, 49-anyos.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nahagip ng naturang van ang unahang bahagi ng isang jitney na minamaneho ng nagngangalang si Elmario Sultan, 55-anyos.

Agad isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor si Agunoy.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad ang driver ng bus habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …