Monday , December 23 2024

Jack Lam tinutugis ng PNP

INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Director Gen. Ronald dela Rosa ang nationwide manhunt operation laban sa negosyanteng si Jack Lam na ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay dela Rosa, dahil sa “bribery at economic sabotage” kaya nais ng pangulo na madakip ang negosyanteng siyang operator ng online gaming sa Fontana, Clark, Pampanga.

Kasabay nito, umapela ang PNP chief sa publiko na agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya ang ano mang impormasyon na magiging daan sa paghuli kay Lam.

“Kung sino nakaaalam kung nasaan si Jack Lam ngayon, siya ay isang Chinese national na nag-o-o-perate ng online gaming sa Fontana Clark, ipagbigay alam lang po sa ating (pulisya) sa nearest police station,” wika ni dela Rosa.

Ayon kay Gen. Bato, nagpalabas na siya ng kautusan sa lahat ng PNP units sa buong bansa para arestohin si Lam.

Aniya, nakipag-ugnayan na siya kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morete hinggil sa direktiba ni Pangulong Duterte.

Samantala, walang ideya si Dela Rosa kung mayroon nang inilabas na Hold Departure Order (HDO) laban sa wanted na negosyante ngunit tiniyak na hindi makalalabas ng bansa ang gambling tycoon.

Inihayag ni Dela Rosa, gagawin nila ang lahat para hindi sila ma-technical kaugnay sa pag-aresto kay Lam dahil hanggang ngayon ay wala pang kasong isinasampa sa negosyante.

Kahit wala pang kaso
JACK LAM PUWEDENG
ARESTOHIN – AGUIRRE

INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, hindi mapipigilan ang pag-aresto sa gaming tycoon na si Jack Lam kahit wala pang isinasampang kaso laban sa kanya.

Kasabay nito, idinepensa ni Aguirre ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestohin si Lam, makaraan maaresto ang 1,316 undocomunted Chinese workers sa kanyang casino.

Nais ng pangulo na maaresto si Lam dahil sa bribery at economic sabotage.

“There is such a thing as warrantless arrest for continuing offense,” wika ni Aguirre.

Sinabi ni Aguirre, ang pag-operate ng illegal gambling ay isang continuing offense at puwedeng arestohin ang mga sangkot dito kahit walang warrant.

Pahayag ni Aguirre, posibleng ang PNP o NBI ang magsasampa ng kaso laban kay Lam sa Department of Justice (DoJ).

Si Lam ay isang Macau-based businessman, siya rin ang operator sa online gaming sa Fontana Clark Casino sa Pampanga.

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *