Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erap hiniling kastigohin ni Digong (Sa bentahan ng Rizal Memorial Sports Complex)

NANAWAGAN ang mga nagmamahal sa kasaysayan at lungsod ng Maynila kay Pangulong Rodrigo Duterte isalba ang Rizal Memorial Sports Complex sa planong pagbebenta ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada para gawing mall.

Ilang pirma na lang ang kailangan para umabot sa 7,500 lagda ay maisusumite na ng change.org ang petisyon na “Save Rizal Memorial Sports Complex” kay Pangulong Duterte, humihiling na pigilan ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagbenta sa Sports Complex at i-redevelop ang Harrison Plaza-RSMC area upang maging 60% open at green space.

Batay sa petisyon, ang Rizal Memorial Stadium, Coliseum at ang buong complex ay “historical and architectural gems” dahil idinisenyo ito sa estivo ng Art Deco at pinagdaanan ng iba’t ibang makasaysayang timpalak.

Ang lugar ay hindi lang kayamanan kundi nagsisilbing international class sports facility.

Nauna nang binatikos ni Heritage Conservation Society Ivan Henares ang pagpasok ni Estrada sa Public-Private partnership program ng nasabing lugar sa negosyanteng si Enrique Razon para gawing mall.

“Does Manila really need another shopping mall? It’s architectural, historical and cultural significance—being the national stadium, an Art Deco masterpiece of Arellano, and host to significant national, regional, and continental sporting events in our nation’s history are more than enough reasons to call for its protection,” ani Henares.

Habang ayon sa ilang political observer, dapat pumalag ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa hayagang pagtampalasan ni Erap sa mga pamana ng kasaysayan sa Maynila sa nakalipas na mahigit tatlong taon.

Nakapagtataka na mabilis na nagbitiw sa puwesto sina NHCP top officials Maria Serena Diokno at Francis Gealogo sa isyu ng paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngunit walang pagkilos sa mga kuwestiyonableng kontrata na pinasok ni Erap para gahasain ang cultural heritage ng lungsod.

Tila namimili aniya ng isyung sasakyan ang NHCP, noong nakalipas na Pebrero ay ipinatigil nito sa lokal na pamahalaan ng Bayambang, Pangasinan ang pagpapagiba sa Gabaldon Bldg., sa Bayambang Central School dahil ito’y mahalagang cultural landmark.

“Bakit naaalarma ang NHCP sa kapalaran ng Gabaldon Bldg., pero tikom naman ang bibig sa pagpapagiba ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa PNB building sa Escolta at sa Army and Navy Club. Bakit pinayagan ng NHCP na ipa-demolish ni Erap ang Army and Navy Club building gayong idineklara nila itong national historical landmark noong 1991?

“Paanong nangyari na hindi kinuwestiyon ni Diokno ang pagpapaupa ng administrasyon ni Erap sa Army and Navy Club sa Oceanville Hotel and Spa Corp., at ipina-sublease pa ito sa Vanderwood Management Corp., para maging casino? Maging ang mga naglalakihang puno ay walang habas na pinagpuputol at pinahintulutan  ng DENR. Ang papel kaya ng NHCP sa preservation ng national heritage ay may pinipili?” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …