Sunday , April 27 2025

Bebot patay sa boypren na may ibang kasiping

DAVAO CITY – Pinatay sa sakal ng kanyang boyfriend ang isang babae na nakasaksi sa pagtatalik ng suspek at ng ibang kasintahan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jennifer Custodio Marbebe, 22, residente ng Block 30, Lot 16, Relocation, Brgy. Los Amigos, Tugbok District, Lungsod ng Davao.

Suspek sa krimen at nahaharap sa kasong murder ang nakatakas na si Alquin dela Peña, 22, nakatira sa Soliman, Tomas Monteverde, Sr., Agdao, Davao City.

Ayon kay Gershon Custodio Marbebe, nakatatandang kapatid ng biktima, halos magwala si Jennifer nang maaktohan ang pakikipagtalik ng kanyang boyfriend sa isang alyas Juliet na cashier din ang trabaho.

Sinuntok aniya ng suspek ang biktima sa tiyan at binalian pa ng kamay bago sinakal gamit ang kumot.

Nasaksihan ng 6-anyos anak ng biktima ang krimen nang sumilip sa butas ng kuwarto.

Patay na nang maisugod sa Robillo General Hospital ng Calinan, Davao City, ang biktima.

Inihahanda na ng Calinan-Philippine National Police ang kasong murder laban sa suspek, napag-alamang halos limang buwan pa lamang na karelasyon ng biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *