CLAUDINE Barretto strikes again! Ngayon naman ang tinatalakan ni Claudine ay ang hindi niya pinangalanang kaanak umano ni Raymart Santiago dahil sa ginawang pananakit sa kanilang anak na si Santino. Inilabas pa ni Claudine ang resulta ng tests sa ospital ng kanyang anak na sinasabi ng mga doctor na dumanas ng trauma dahil sa nangyari. Nagbabanta na naman si Claudine na magdedemanda dahil sa ginawa sa kanyang anak.
Mabilis namang sumagot si Raymart na ang nangyari raw sa party na iyon ay away ng mga bata. Iyon ang dahilan kung bakit nakialam naman ang mga matatanda sa grupo para awatin sila. Siguro nga nahawakan nang medyo mahigpit ang braso ni Santino. Pero ang sabi nga ni Raymart, “away bata iyan na pinalalaki lang ni Claudine”.
( Ed de Leon )