Thursday , December 26 2024

Batas huwag bastusin

TULOY-TULOY pa rin mga ‘igan ang kilos protesta ng mga kababayan nating tutol na tutol sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani.

Sino nga ba ang mga promotor sa likod ng kaguluhang ito? Imbes itim, kulay ng pagluluksa, aba’y nakulayan ng dilaw ang isyung Marcos burial.

Ano nga ba ang tunay na motibo ng mga dilaw ukol dito? Sadya nga bang ginagamit ng mga dilawan ang nasabing isyu upang iliko ang atensiyon ng taongbayan sa mga katarantaduhang kinasasangkutan ng administrasyong Aquino?

Sus, hindi tanga ang mga Pinoy igan! Kayo itong iikot ang wetpu sa mabilisang pagpapatupad ni Ka Digong sa kampanya kontra-korupsiyon.

He he he…patay kang bata ka!

Sige lang ng sige mga ‘igan sa mga kilos protesta laban sa pagpapalibing kay Macoy sa Libingan ng mga Bayani, pero teka, hindi kaya kabaliktaran ang nais mangyari ng mga dilawan?

Hindi ba’t papalapit nang papalapit ang tamang panahon at mabubuking na rin umano ang mga katiwaliang pinaggagagawa ng Aquino administration partikular ang pagiging tiwaling lingkod bayan?

So, hindi kaya ang mga dilawang sangkot sa anomalya ang may nais na ipalibing na lamang ang isyung kinasasangkutan, kaya todo-todong suporta at pondo ang inilalagak sa mga kilos protesta laban sa pagpapalibing kay Macoy, na ngayo’y usaping paghuhukay naman sa labi ni Macoy?

Aba’y mag-isip-isip! Ang batas ay batas. At nagdesisyon na ‘igan ang Korte Suprema, kung kaya’t inaprubahan na ni Ka Digong ang Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani. Kung ang nais ng mga dilawan ay katahimikan, aba’y tantanan na ang isyung ito. Kung babuyan naman, aba’y huwag bastusin ang Supreme Court at ‘ika nga’y baka maghahalo ang balat sa tinalupan.

Hihintayin pa ba nating mangyari ito?

Marami na umanong Filipino ang nauntog sa katotohanang si Macoy ay naging presidente at sundalo ng bansa kung kaya’t dapat na ilibing sa Libingan ng mga Bayani. Nasambit na ang katagang ito ni Ka Digong na may kasama pang period. He he he…

Kaya naman sa totoo lang, bilang lang  o kakaunti ang mga taong nakiisa sa protestang ipinatawag ng mga tutol kay Macoy kamakailan lang sa Luneta. Tanging ang mga dilawan lang umano ang nagsasabing marami ang dumalo rito.

He he he…nabulagan yata!

Dahil nagsalita na ang Korte Suprema sa nasabing isyu, igalang at sundin ito. Respetohan sa isa’t isa ang kailangan nang mailagay na sa tahimik ang bansa. Ito dapat ang itinuturo ng simbahang Katolika. Ang matindi rito’y pasimuno pa ang mga pari at madre sa usaping pagpapalibing at paghuhukay sa labi ni Macoy sa Libingan ng mga Bayani.

Sus, ‘yan ang hirap sa simbahang Katolika. Mano man lang huwag na munang makisawsaw sa politika tungo sa tuluyang panggugulo sa lipunan.

SI CHAIRMAN CORRUPT

Tunay na corrupt umano ang isang barangay chairman sa Zone 85 District V.

Kung tawagin siya’y Chairman Zenaida.

Mantakin n’yong garapal umano kung humuthot ng kuwarta ng barangay ang chairman, kasabwat pa umano ang supplier na si Maricar. ‘Yung tipong ang isa sa mga tseke ay nagkakahalaga ng P141,964.29 at hindi P241,964.29, ano ba ‘yan ‘Che.

Sa COA Investigation mismo, sinabi nitong, “that the amount P241, 964.29 was disbursed without basis and supporting documents in violation to Section 4 (6) of PD 1445 otherwise known as State Audit Code of the Philippines which provides that “Claims against government funds shall be supported with complete documents. Moreover, the withdrawal of P241,964.29, which is different from what is indicated in the “Punong Barangay Certification is done with intent to defraud the government thus making the disbursement illegal.”

Chairman, hinding–hindi ka makalulusot sa katarantaduhan mo. Maging ang mga supplier, na magpahanggang ngayon ay  nakikipagsabwatan sa mga tiwaling Chairman, aba’y mag-ingat-ingat kayo kay Ka Digong, hindi n’ya kayo tatantanan.

Kaya, nananawagan po tayong muli sa kinauukulan…upang matuldukan na ang mga salot at kurakot ng ating bayan.

Abangan ang mga katiwalian sa barangay!

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI

ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *