Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug lord sa Iloilo nagbigti

ILOILO CITY – Kombinsido ang pamilya nang inaakusahang drug lord sa Iloilo na si Rasty Jablo, walang foul play sa pagpapatiwakal ng suspek sa loob ng selda ng San Isidro Police Station sa Lungsod ng General Santos kahapon ng umaga.

Ayon sa kanyang hipag na si Mercy Susbilla, nagpahiwatig si Rusty nang pagpapakamatay nang dinalaw ng kanyang misis na si Kapitan Noemi Hablo ng Brgy. Desamparados Jaro, Iloilo City, kasama ang apat na anak, manugang at apo noong Linggo.

Ngunit nang magpaalam na sila para umuwi sa Iloilo City, naging emosyonal si Rusty at nagpahayag na isama na lamang ang kanyang bangkay pauwi.

Hindi sineryoso ng pamilya ang kanyang pahayag dahil sa problema sa pag-iisip.

Nagulat sila nang mabalitaan na nagbigti ang suspek sa loob ng selda gamit ang kumot na dala ng kanyang asawa.

Napag-alaman, si Jablo ay itinuturong sub-group leader ng Previndido Drug Group sa Iloilo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …