PINAHAHARAP ng Department of Justice (DoJ) sa 2 Disyembre sa preliminary investigation ng five-man panel of prosecutors si Sen. Leila de Lima para sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nailabas na ng panel ang subpoena kahapon at inihatid na sa tanggapan ni De Lima sa Senado.
Haharapin ng mambabatas ang apat reklamong inihain ng ilang complainant, kabilang ang VACC at ang kampo ng inmate na si Jaybee Sebastian.
Magugunitang lumutang nitong nakaraang linggo sa imbestigasyon ng Kamara, sinadya ang tangkang pagpatay kay Sebastian upang mapigilan siyang magbigay ng testimonya.
Ngunit hati rito ang paniniwala ng mga mambabatas, lalo’t hindi napangalanan ang pinanggalingan ng utos at kung ano ang kaugnayan nito sa lady senator.
Umaasa si Aguirre na haharap sa preliminary investigation si De Lima, lalo’t ang senadora aniya ang naghamon dati na sampahan siya ng kaso kaysa gawing sangkalan ng batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado ng administras-yon.