PATAY ang isang 40-anyos computer technician makaraan pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang pa-milya ng dalawang hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.
Agad binawian ng buhay si Jomari Gomo ng Phase 9, Package 9, Block 108, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.
Ayon kay Caloocan acting police chief, Supt. Ferdie Del Rosario, dakong 12:20 am, natutulog sa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang pamilya nang pasukin ng mga suspek at siya ay pinagbabaril.
( ROMMEL SALES )