TATLONG hinihinalang sangkot sa droga ang patay makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City.
Batay sa ulat ni PO3 Ryan Rodriguez, dakong 1:30 am natagpuan sa Everlasting St., Brgy. 177, Camarin si Eduardo Peralta Jr., 44, na wala nang buhay.
Dakong dakong 10:30 pm nitong ng Martes, natagpuang nakahandusay si Emil Andeo, 20, sa kanyang silid dahil sa tama ng bala sa ulo.
Habang agad nalagutan ng hininga si Rhodelio Mackay, 41, ng 417 LD Road, Tala makaraan pagbabarilin ng apat hindi nakilalang suspek dakong 6:00 pm sa St. Peter St., CBY Barrack, Brgy. 186.
( ROMMEL SALES )