PATAY ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.
Agad binawian ng buhay si Regie Antonio, 35-anyos, ng 433 Umba Bagbaguin, Brgy. 165, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa NPC Road, Brgy. 166, Kaybiga dakong 11:00 pm nitong Lunes.
Nauna rito, dakong 7:00 pm, angkas ni William Esguerra, 45, ng 959 Bo. San Jose, Brgy. 187 Tala, sa motorsiklo ang kanyang anak na si Vinzon, 23, nang harangin sila ng apat lalaking sakay rin ng motorsiklo sa Bo. Sta. Rita St., Phase 12, Brgy. 188 Tala.
Pagkaraan ay pinagbabaril ng mga suspek si William sa harap ng kanyang anak bago mabilis na tumakas. ( ROMMEL SALES )