Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis patay, mister kritikal sa motorsiklo vs truck

PATAY ang isang 27-anyos misis habang kritikal ang kanyang mister makaraan mabangga ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo Caloocan City  kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital si Jenelyn Olazo, habang inoobserba-han sa naturang pagamutan ang mister niyang si Jesus Emmanuel, 30, kapwa ng Phase 4C, Package 6, Blk. 41, Excess Lot, Bagong Silang.

Ayon kay Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, dakong 3:30 am habang lulan ang mag-asawa ng motorsiklo at patawid sa Camarin Road patungong Quezon City nang mabangga sila nang humaharurot na Isuzu pick-up sa harap ng North Groove Condominium sa Brgy. 175.

Mabilis na tumakas ang driver ng Isuzu pick-up na kinilala sa pangalang Pare Tuan, makaraan ang insidente.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …