AABUTIN ng 2017 bago kompletong malinis ang New Bilibid Prisons (NBP) sa mga kontrabando.
Ito ang pagtaya ni BuCor Officer-In-Charge Rolando Asuncion, kasunod nang naisagawang mga paggalugad sa loob ng national penitentiary sa nakalipas na mga araw.
Kabilang sa mga nakompiska nila sa huling dalawang pagsalakay ay sari-saring baril, patalim at granada.
Kuwento ni Asuncion, ang iba sa mga armas ay nakalagay sa ilalim ng tiles sa comfort room, dingding at ang iba ay ibinaon sa lupa.
Umaabot sa mahigit 30 Oplan Galugad ang naisagawa sa NBP, mula noong simulan ito sa panahon ng Aquino administration.