Saturday , November 16 2024

Pagbabago sa sistema ng gobyerno, paiigtingin ng Hugbong Federal

111416-goita-freddie-aguilar-federalism
KASAMA ni Goitia (kaliwa) si Freddie Aguilar at iba pang nagsusulong ng Federalismo.

ISINULONG na ng  Hugpong Federal Movement of the Philippines (HFMP) ang pagkilos sa sabay-sabay na rally sa Luzon, Visayas at Mindanao nitong Linggo upang tahakin ang pagtatatag ng Federal Republic of the Philippines sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa rally na ginanap sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila, sinabi ni HFMP founder at national chairman Celso Tizon na halos 100 taon na nating ginagamit ang kasalukuyang sistema ng gobyerno pero patuloy lamang nababaon sa kahirapan ang ating bansa at napag-iiwanan ang malalayong lalawigan na hindi napapansin ng sentro ng gobyerno sa mga kalunsuran.

Sinabi ni PDP Laban Policy Studies Group founder at head at HFMP director for Luzon, Business Sector Jose Antonio Goitia na  “centerpiece” ng programa sa pagbabago ng PDP Laban mula pa noong itinatag ang partido para maging sistemang Federal ang ating bansa.

“Layunin nito na tuluyang baguhin at paunlarin ang pangkalahatang kapakanan ng buong bansa sa pagbabawas ng labis na kapangyarihan ng “central government” sa larangan ng pamamahala at pananalapi, at ilipat ang karamihan sa mga kapangyarihang ito sa binaha-bahaging rehiyon na makikilala bilang Federal states,” ani Goitia.

“Sila na ang mamamahala sa kanilang estado na hindi na masyadong pakikialaman ng central government, taliwas sa kalakaran ng kasalukuyang ‘unitary system’.  Kaya hiling ko na makilahok tayo, matamang makinig at limiin ang diwa ng Federalismo sa mga ginaganap na pagmumulat ukol dito na walang humpay na ginagampanan ng HFMP at PDP Laban sa buong bansa.”

“Sa Luneta natin sadyang ginanap  ang pagtitipon nating ito hindi dahil sa lawak kundi dahil ito ay makasaysayan. Naging larangan ito ng mga madugong pagkilos kontra sa dominasyon ng mga banyagang lahi, Espanyol, Amerikano, at Hapones,  na nanakop sa atin.  Kaya angkop lamang na dito natin ipahayag ang ating suporta sa pinakamahalagang programa ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Asahan natin na sa bigkis ng ating pagkakaisa, mapagtatagumpayan nating maitatag ang bagong Federal Republic of the Philippines,” dagdag ni Goitia.

Sinabi ng isa pang opisyal ng HFMP na si Bishop Don Loayon, halos isang milyon na ang volunteers ngayon na nagsusulong ng Federalismo sa buong bansa kaya kasabay ng rally sa Maynila ang mga pagtitipon din sa mga lungsod ng Davao, Gen. Santos, Cotabato, Butuan. Zamboanga, Kidapawan, Bacolod, Iloilo at sa lalawigan ng Palawan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *