Saturday , November 16 2024

Media man sa Albay minamatyagan ng pulisya sa illegal drugs

LEGAZPI CITY – Nakatuon ngayon ang atensiyon ng PNP sa pagsasagawa nang mas pinalakas pang operasyon sa Oplan Double Barrel Alpha.

Kaugnay nito, inihayag ng tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office, patuloy nilang bineberipika ang nakara-ting na impormasyong isang mamamahayag sa lalawigan ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Chief Insp. Art Gomez, mino-monitor nila ang naturang media man at sakaling mapatunayan, ibibilang ang pangalan niya sa drug watchlist.

May mga nakarating din aniyang sumbong mula sa mga kapwa mamamahayag, na totoong sangkot sa ilegal na droga ang hindi pinangalanang kasapi ng media.

Samantala, umaasa si Gomez na negatibo ang magiging resulta ng imbestigasyon dahil sa malaking tiwala ng mga tao sa hanay ng mga mamamahayag.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *