Saturday , November 16 2024

Dalagita hinalay sa himlayan

NAGA CITY- Swak sa kulungan ang isang lalaki makaraan maaktohan habang minomolestiya ang isang dalagita sa loob ng sementeryo sa bayan ng Talisay, Camarines Norte kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Raymundo Oberos, 47-anyos, isang pedicab driver.

Ayon sa ulat, naglalaro ang menor de edad at isa pang batang lalaki nang yayain sila ng suspek na sumakay sa kanyang padyak upang mamasyal sa lugar.

Ngunit imbes mamasyal,  dinala ng suspek ang dalawang bata sa sementeryo sa Brgy. Gabon sa naturang bayan at doon minolestiya ang dalagita.

Batay sa testigo, hinalikan at hinawakan ng suspek ang maseselang parte ng katawan ng biktima.

Upang hindi magsumbong sa mga awtoridad, binigyan ng sampung piso ng suspek ang kasamang batang lalaki ngunit nagpumiglas kaya tinakpan ang bibig at kinurot ang dalawang menor de edad.

Agad nadakip ang suspek makaraan sitahin ng mga nakakita sa insidente at dinala sa himpilan ng pulisya.

Nahaharap sa kasong act of lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek habang nakatakdang isailalim sa counselling ang mga biktima upang magbalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *