Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, ‘di nakikialam sa relasyon ni Luis kay Jessy

ILANG beses na raw nakasama ni Luis Manzano si Jessy Mendiola sa mga okasyong pampamilya na nagkikita at nag-uusap sila ni Gov. Vilma Santos.

Ayon kay Gov. Vi, hindi raw nabanggit ng dalawa sa kanilang pag-uusap ang paglagay ng mga ito sa tahimik. Hindi rin siya nagsabi sa dalaga na if ever mag-propose ang anak ay huwag na itong tumaggi.

Aniya, hindi niya puwedeng panghimasukan ang anak sa pakikipagrelasyon dahil ayaw niyang magdesisyon ang kanyang anak na mauuwi rin sa wala.

Aniya pa, “Alam ni Luis kung saan siya masaya, alam niya ang tama, alam niya ang mali. I am just here to guide him. He is old enough, mature enough to handle his life,” pahayag ng Star For All Seasons.

Samantala hindi maiwasang ikompara ang naging relasyon ni Luis kay Angel Locsin dahil sobrang masigasig noon si Ate Vi sa pagsasabing bigyan na siya ng apo. Kung tama kami, nasabi pa nito noon na kahit hindi pa kasal ang anak kay Angel ay bigyan na ito ng apo na hindi niya ginagawa ngayong karelasyon si Jessy.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …