PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD sa drug operation kahapon ng madaling-araw sa lungsod.
Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dakong 1:15 am nang napatay ang dalawang suspek sa operasyon ng mga tauhan ng District Anti-illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID-SOTG) at District Special Operations Unit (DSOU) sa Banaue St. at Panalturan St., Brgy. Manresa, Quezon City.
Kinilala ang mga napatay na sina Charlie Lorenzo alyas Balugoy at Telemaccus Esmilla alyas Patik, kapwa nasa drug watch list ng Brgy. Manresa.
( ALMAR DANGUILAN )