Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utol ni Colanggo arestado sa buy-bust

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado sa inilunsad na anti-illegal drugs operation ng pulisya ang kapatid na lalaki ng convicted drug lord na si Herbert Colanggo sa Brgy. Natumulan, Tagoloan, Misamis Oriental.

Kinompirma ito ni PNP regional spokesperson Supt Surki Sereñas kahapon.

Kinilala ang suspek na si Leoncio Colanggo, 39, nakatira sa Brgy. Bayabas, Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Sereñas, naaresto si Colanggo habang binibisita ang anak ng kapatid niyang si Herbert sa bayan ng Tagoloan nitong lalawigan.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek  limang sachets ng suspected shabu.

Inamin ng kanyang pamangkin na si Hera Colanggo, ma-dalas bumisita ang kanyang tiyuhin upang mag-abot ng financial support.

Sa ngayon,hindi pa maiugnay ng pulisya kung mayroong koneksyon si Leoncio sa malaking illegal drugs trade na kinasangkutan ng kanyang kapatid na si Herbert sa loob ng New Bilibid Prison.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …