PATAY ang isang 47-anyos biyuda makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.
Agad binawian ng buhay ang biktimang si Evangelyn Torrevillas, ng Bukong Diwa, Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), sanhi ng mga tama ng bala sa ulo.
Batay sa ulat ni PO3 Philip Edgar Valera, dakong 3:30 ng madaling araw nang matagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima sa Road 10, Brgy. NBBS, ilang metro lamang ang layo sa bahay sa kanyang bahay.
Narekober malapit sa bangkay ng biktima ang i-lang basyo ng bala at isang papel na may nakasulat na katagang “Katarungan sa biktima ng droga! Drug den bahay ko! Tulak pa ko! Salot sa lipunan”.
( ROMMEL SALES )