KAKASUHAN ng aktor at Ormoc Mayor Richard Gomez si Albuera, Leyte police chief Jovie Espinido.
Kasunod ito nang pagdawit ni Espinido kay Gomez bilang bahagi ng “Espinosa Drug Group” sa pagdinig kamakalawa ng Senado kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon sa aktor, ang pagdawit sa kanya ni Espinido sa nasabing circus ay kagagawan ng kanyang mga kalaban sa politika.
Mariing itinanggi ni Gomez na sangkot siya sa ilegal na droga.
Katunayan aniya, ay anti-drug advocate siya.
Katawa-tawa ayon kay Richard ang mga akusasyon laban sa kanya ng kanyang mga kalaban sa politika.
Naniniwala ang aktor na ang chief of police ng Albuera ay tao ng kanyang mga kalaban sa politika.