MATATANGGAP ng 180,000 personnel ng Philippine National Police ang kanilang 14th month pay, P5,000 productivity enhancement incentive at P5,000 cash gift sa Nobyembre 18.
Sinabi ni Chief Supt. Lurimer Detran, deputy director for comptrollership, ito ang pangalawang taon na tatangga-pin ng PNP personnel, kapwa ang unformed at non-uniform, ang kanilang 14th month pay.
“Maraming masaya sa atin ngayon. Last year lang nag-start yung pagbibigay ng 14th month,” pahayag niya sa press conference nitong Biyernes.
Aniya, ang 14th month ay ibibigay sa personnel depende sa kanilang ranggo.
“Our fund requirement for the 14th month pay alone covers the amount of P3.4 billion and the timeline for the release of these will be on the 18th of November, this year. I-expect na natin, yung ating mga PNP personnel can expect na by the 18th it will be credited to your respective account,” aniya.