DAGUPAN CITY – Sugatan ang isang radio commentator makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa bayan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Virgilio Maganes, 59, residente ng Brgy. San Blas.
Ayon kay Chief Insp. Norman Florentino, hepe ng Villasis-Philippine National Police, bandang 5:40 am habang papasok ang biktima sa kanyang trabaho sa power radio sa Lungsod ng Dagupan sakay ng tricycle nang sundan siya ng mga suspek at siya ay pinagbabaril.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com