SUPER dasal pala to the max ang seksing aktres na si Barbara Milano sa fight ni Manny Pacquiao kay Jessie Vargas.
Nagkatambal na kasi ang dalawa noon sa pelikulang Basagan ng Mukha at mula noon naging malapit ang loob ni Barang (tawag kay Barbara) kay Manny. Napaka-humble raw kasi ng actor/senador habang nagsu-shooting sila sa Calaca, Batangas.
Malimit si Manny pa ang nagpapa-meryenda sa kanila sa set. Hindi pa raw kasing yaman noon si Manny kompara sa ngayon. Propesyonal din daw ito na on time lagi sa set,
Napansin ni Barang na hindi man lang naapektuhan ng pagsikat ang mala-bayaning boksingero.
SHOWBIG – Vir Gonzales