Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marcos sa libingan ng mga bayani aprubado sa SC (Sa botong 9-5 ng mga mahistrado)

110916_front
PINAHINTULUTAN ng Supreme Court (SC) ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB).

Sa desisyong inilabas ng Korte Supreme, siyam mahistrado ang bumoto pabor sa panukala, lima ang kumontra habang isa ang nag-inhibit.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ilibing si Marcos sa LNMB.

Sa kabila ito nang pagtutol ng mga biktima ng pang-aabuso ng karapatang pantao noong Martial Law.

Kabilang sa mga bumoto nang pabor sina Justice Presbitero Velasco Jr., Justice Teresita Leonardo-De Castro, Justice Arturo Brion, Justice Diosdado Peralta, Justice Lucas Bersamin, Justice Mariano Del Castillo, Justice Jose Perez, Justice Jose Mendoza, at Justice Estela Perlas-Bernabe.

Habang ang komontra sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Justice Antonio Carpio, Justice Marvic Mario Victor Leonen, Justice Francis Jardeleza, at Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Samantala, nag-abstain si Justice Bienvenido Reyes.

Kaugnay nito, todo ang pasalamat na ipinaabot ni dating Sen. Bongbong Marcos sa Supreme Court (SC) makaraan paboran ang pagpalilibing sa labi ng kanyang ama sa LNMB.

Ayon kay Marcos, nagpapasalamat sila sa nakararaming justices ng Korte Suprema na bomoto sa bilang na 9-5 para katigan ang kanilang petisyon.

Aniya, masaya sila dahil kinilala ng SC ang karapatan ng kanilang tatay bilang isang war veteran.

Pinasalamatan din ng nakababatang Marcos si Pangulong Rodrigo Duterte na isinulong ang pagpalilibing sa labi ng dating presidente sa LNMB.

“We are grateful,” ani Marcos.

Sinabi ng dating senador, dahil sa paborableng desisyon, tuloy-tuloy na ang kanilang gagawing paghahanda.

Dagdag niya, ang nasabing desisyon ay simula ng “healing process” ng bansa.

SC DECISION INAASAHAN NG PALASYO

INAASAHAN ng Palasyo ang naging desisyon ng Korte Suprema na payagan na maihimlay sa Libingan Ng Mga Bayani (LNMB) ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Inihayag kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, tulad ng kanyang inaasahan na ang magiging pasya ng Korte Suprema ay kakatig sa teorya ng Palasyo na ang batas at mga regulasyon ay pinahihintulutan na mailibing ang mga dating Pangulo at sundalo sa Libingan ng mga Bayani.

“As I have expected the ruling validates our theory that the law and the regulations allow the burial of ex-Presidents and soldiers in the Libingan ng mga Bayani,” ani Panelo.

Umaasa ang Palasyo na matutuldukan na ang pagtutol sa paglibing kay Marcos at panahon na aniya na mag-move on ang bansa at harapin ang mas napapanahong mga usapin kaysa mangunyapit sa isyung emosyonal na hindi produktibo at nagdudulot nang pagkawatak-watak.

“Hopefully, the decision will put to rest the opposition to the burial of Marcos. It’s about time the nation moves on and confront the more pressing concerns of the country rather than linger on an emotional issue that is unproductive as it is divisive,” dagdag ni Panelo.

Habang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng Palasyo ang pasya ng Supreme Court bilang “final arbiter” ng lahat ng kuwestiyon sa legalidad.

“We hope the matter will finally be laid to rest, and that the nation find the wherewithal to move forward and to continue forging a nation that is peaceable, just and fair to all,” ani Abella.

( ROSE NOVENARIO )

LP DESMAYADO

DESMAYADO si Liberal Party president Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa ruling ng Supreme Court (SC) kaugnay sa pagpayag na maihimlay si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Pangilinan, nakalulungkot na sa kabila nang ipinaglabang kalayaan laban sa diktador na gobyerno ay sa ganito magtatapos ang usapin.

Giit niya, hindi bayani ang dating presidente at malaking dagok sa human rights victims ang desisyon ng Korte Suprema.

“Marcos is not a hero. His burial at the Libingan ng mga Bayani desecrates our democracy and the memory of those who fought for freedom and justice in our country,” wika ni Pangilinan.

Habang para kay Sen. Risa Hontiveros, nabigo ang mga mahistrado na makita at maprotektahan ang ipinaglalaban ng mga naapi sa panahon ng Martial Law.

“The Supreme Court has miserably failed the test of history and broken our hearts. By allowing the remains of the late dictator Ferdinand E. Marcos to be buried in the Libingan ng mga Bayani, the high tribunal has failed to protect the truth from the Marcoses’ fictional universe,” wika ni Hontiveros.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …