Saturday , November 16 2024

Seguridad mas hinigpitan sa Bar exam sa UST

SINIMULAN na kahapon, Nobyembre 6, ang apat Linggong Bar examination para sa libo-libong nais na maging abogado.

Kasabay nito ay nagpatupad nang mas mahigpit na seguridad sa paligid ng University of Santo Tomas (UST) na pinagdausan ng pagsusulit.

Kaugnay nito, paiiralin sa paligid ng UST ang traffic rerouting para sa mga sasakyan tuwing araw ng Linggo ngayong buwan.

Gagawin ang bar exam tuwing Linggo o sa sumusunod pang petsa: Nobyembre 13, 20 at 27, 2016.

Ayon sa Manila Police District, sarado ang westbound lane ng Espana Boulevard at Lacson St., P. Noval St., ngayong November 6, 13, 20, at 27 mula 5:00 am hanggang 7:30 am at 3:00 pm hanggang alas-7:00 pm.

Sarado sa trapik sa nasabing mga petsa ang Dapitan St., at Lacson St., P. Noval St., mula 10:00 am hanggang 1:00 pm.

Umiiral ang liquor ban, o pagbabawal sa pagtinda at pagbili ng mga alak, 100 metro mula sa examination venue.

Ayon sa Supreme Court, aabot sa 6,831 ang kukuha ng pagsusulit ngayong taon.

Layunin nang mahigpit na seguridad na huwag maulit ang trahedya sa Bar exam noong Setyembre 2010 na marami ang nasaktan sa pagsabog ng granada habang isa ang naputulan ng paa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *