Friday , May 16 2025

3 drug suspect itinumba ng vigilante

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis, makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Senior Supt. Johnson Almazan,hepe ng Caloocan City Police, dakong 2:00 am nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay sa 1939 Molave St., Bagbaguin si Josefina Buenaventura, alyas Mamita, 57, nang pasukin ng dalawang suspek na naka-bonnet at face mask at siya ay pinagbabaril.

Nauna rito, dakong 1:00 am natutulog sa loob ng kanyang bahay sa De Gracia Drive, Brgy. 168, Deparo si Anthony Antang, alyas Kulot at Burnok, 36, at kaibigan niyang si Serapio Rosete, alyas Pong-Pong, 49, ng Canero, Deparo, nang pasukin ng dalawang armadong lalaki at sila ay pinagbabaril.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *