PATAY ang isang most wanted drug personality at ang kanyang kasama makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.
Agad binawian ng buhay ang suspek na si Jomar Serrano alyas Boknoy at ang hindi pa nakilalang kasama niya makaraan ang insidente.
Ayon kay Northern Police District Special Operations Unit (DSOU) Supt. Jose Ali Duterte, nakatanggap sila ng impormasyon na nagta-tago ang suspek sa Pandi, Bulucan kaya tinungo ng mga pulis ang nasabing lugar ngunit napansin sila ng mga suspek sa Marilao, Bulacan kaya mabilis na tumakas sakay ng Mitsubishi Galant (UAE-168) patungong Valenzuela City.
Pagsapit sa Mindanao Avenue, Brgy. Ugong dakong 2:30 am, nagpaputok ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
( ROMMEL SALES )