Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vargas bagsak sa 6th round (Prediksiyon ni Gen. Bato sa laban ni Pacman)

110516_front

LAS VEGAS – Binisita ni PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kahapon (PH time) si Manny “Pacman” Pacquiao sa huling dalawang araw na pagsasanay ng senador para sa laban kay Jessie Vargas.

Si Dela Rosa ay nagtungo sa US kasama ng kanyang anak na si Rock upang panoorin ang laban ni Pacquiao nang “live” sa Nobyembre 5 (US time) sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

“Nandito ako kasi gustong-gusto ko talaga manalo si Manny. I’m a big fan,” pahayag ni Dela Rosa.

Sa pagtataya ni Dela Rosa, maaaring mapabagsak ni Pacquiao si Vargas sa ika-anim na round.

“Knock out ‘yan kasi hindi tumatakbo ‘yung kalaban.”

Magugunitang hinulaan ng police chief kamakailan ang Game 6 championship victory para sa Barangay Ginebra Gin Kings, na nagkatotoo.

Ayon kay Dela Rosa, ito ang ikatlong pagkakataon na mapapanood niya si Pacquiao sa boxing ring.

HATAW NEWS TEAM

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …