TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi makalilimutan ang naging pananagutan ni MNLF founding chairman Nur Misuari sa madugong Zamboanga siege noong 2013.
Ito’y kahit inaprobahan pansamantala ng korte na huwag siyang arestuhin.
Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, may tamang pagkakataon para sa pagkakaloob ng hustisya sa mga biktima nang marahas na insidente.
Sinabi ni Padilla, hindi puwedeng balewalain o ibasura lamang ang kasong ito at kailangang bigyang daan ang isang hakbang ng ating political leaders tungo sa ikabubuti nang mas nakararaming Filipino.