Monday , May 12 2025

5 todas sa death squad sa Caloocan

LIMA katao na hinihinalang sangkot sa droga, ang namatay makaraan atakehin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Caloocan Death Squad (CDS) kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, ang dalawa sa mga napatay na sina Jay-M Soriano, 17, at Jefferson Beltran, 21, pinagbabaril ng mga suspek sa Berong St. dakong 4:00 am.

Habang dakong 12:40 a.m., si Joseph Tingzon, 42, ay pinasok sa kanyang bahay sa Phase 8A, Package 11, Blk. 189, Lot 14, Bagong Silang ng hindi nakilalang mga suspek at pinagbabaril.

Samantala, dakong 1:00 am, pinasok ng hindi nakilalang mga suspek ang isang bahay sa Phase 2, Package 2, Block 40, Lot 1, Brgy. 176, Bagong Silang at pinagbabaril si Carlos Tan, 54, at kasama niyang si alyas Mark, 25-30 anyos.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *