Saturday , November 16 2024

3-anyos FilBrit twins patay sa sunog sa Cebu

CEBU CITY – Patay ang 3-anyos Filipino-British twins nang masunog ang kanilang dalawang palapag na bahay sa Acacia Place Subdivision, Salvador Extension Labangon, Cebu City, dakong 3:15 am kahapon.

Habang ligtas ang ina ng kambal na si June Myatt, 35, at ang kasambahay nilang si Lovelyn Espender, 18-anyos.

Ayon sa fire investigator na si SFO1 Rogelio Nabalos, natagpuang walang malay ang na-trap ang kambal sa second floor ng kanilang bahay.

Wala ring malay ang kasambahay nang matagpuan sa loob ng banyo habang sinasabing tumalon sa bintana ang ina ng kambal.

Agad binawian ng buhay ang paslit na si Philip Myatt habang dinala sa ospital ang kanyang kambal na si Elaine Margarret ngunit binawian ng buhay makalipas ang i-lang oras.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, overheated centralized airconditioner ang dahilan ng sunog dahil palagi itong nakaandar 24/7.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa sala ng bahay at mabilis na kumalat dahil malalaki ang kurtina.

Napag-alaman, suffocation ang dahilan ng pagkamatay ng kambal dahil hindi nasunog ang kanilang katawan.

Ang ama ng mga bata na isang negosyante ay kasalukuyang nasa England.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *