Friday , November 15 2024

Kaso vs Gen. Loot lalakas dahil kay Kerwin — PNP

NANINIWALA si PNP chief Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, kung makauwi na sa bansa si Kerwin Espinosa, ang sinasabing drug lord, ay magiging malakas pa ang kanilang kaso laban sa retired general at ngayon ay Daanbantayan Mayor Vic Loot.

Ayon kay Gen. Bato, tanging si Kerwin lang ang makasasagot sa lahat ng mga tanong tungkol kay Loot.

Inamin ni Dela Rosa, sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon laban sa dating heneral na isa sa mga nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging drug coddler.

Iginiit ng PNP chief, maliban kay Loot, may iba pang narco-politicians ang patuloy na iniimbestigahan makaraan madawit ang pangalan sa watchlist ng presidente.

Nagbabala ang heneral sa mga politiko na huminto na sa ilegal na gawain dahil kung hindi ay may gagawing operasyon ang pulisya.

Magugunitang nahuli si Kerwin sa Abu Dhabi at kinasuhan ang ama niyang si Albuera Mayor Rolando Espinosa na ngayon ay nakakulong sa lalawigan ng Leyte.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *