SINIBAK na sa puwesto ang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sangkot sa mga anomalya sa kawanihan.
Kinilala ang opisyal na si Atty. Arnel Alcaraz, officer in charge (OIC) ng enforcement group ng BoC.
Ayon kay Office of the Customs Commissioner chief of staff Mandy Anderson, si Alcaraz lamang ang OIC na may pending case sa National Bureau of Investigations (NBI).
Nakikipag-ugnayan na ang BoC sa NBI para tingnan kung makakukuha sila ng documentary evidence at affidavits ng complainants para sa kanilang isasagawang imbestigasyon laban sa opisyal.
Pinirmahan ni BoC Commissioner Nicanor Faeldon ang order para sibakin si Alcaraz sa kanyang puwesto at papalitan siya ni Special Police Major Isabelo A. Tibayan III.
Magugunitang noong Nobyembre 1 ng gabi nang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang mga magulang, iniutos niya ang agad na pagsibak sa puwesto sa deputy for intelligence na may anomalya sa loob ng BoC.