HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao na agad pabagsakin si American boxer Jessie Vargas.
Sinabi ni Duterte, umaasa siya na makakamit ni Pacquiao ang i-naasam na knockout win sa loob lamang ng apat na rounds.
Paliwanag ng Pangulo, bagamat hindi siya eksperto sa boksing, kailangan ng Filipino ring icon na pabagsakin si Vargas bago man sumapit ang ika-pito o ika-walong rounds dahil kapag lumagpas ay wala na masyadong lakas para gawin ito.
Katulad aniya nang mga nagdaang laban ni Pacquiao, ipinangako muli ni Duterte na ipapanalangin niya ang panalo ng tinaguriang fighting senator.
HATAW News Team