INAASAHANG tatagal ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Filipinas.
Sa kabila ito nang pagkalusaw kahapon ng low pressure area (LPA) na unang namataan sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa Pagasa, makapal ang ulap na bumabalot sa buong bansa na dala ng intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin at may magkakaibang temperatura.
Tinatayang lalo pang titindi ang buhos ng ulan kapag tuluyang nakalapit sa lupa ang bagyong tatawaging “Marce.” Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,315 km silangan ng Visayas. May lakas itong 45 kph at pagbugsong 55 kph. Ngunit bahagya itong bumagal mula sa 19 kph patungo sa 15 kph habang tinatahak ang pakanluran hilagang kanlurang direksiyon.