Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 estudyante sugatan sa 2 trike

BAGUIO CITY – Apat estudyante ang sugatan makaraan magbanggaan ang dalawang tricycle kamakalawa sa Manabo-Sallapadan municipal road sa Brgy. San Jose Sur, Manabo, Abra.

Kinilala ang mga sugatan na sina Cherry Mae Dalipog Amante, 17; Myra Fe Banasan Batoon, 16; at ang kambal na sina Rachelle Anne Catriz Ganeb at Anne Marie Catriz Ganeb, kapwa 23-anyos, pawang mga estudyante at residente sa Brgy. San Ramon West, Manabo, Abra.

Samantala, kinilala ang driver ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima, na si Jeffrey Lingbaoan Sales, 34, at residente ng Catacdegan Nuevo, Manabo, Abra.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ng tricyle na sinasakyan nina Sidfrey Domingo Pastores at Ninoy Tayan Bobiles ang naturang kalsada nang mawalan ng kontrol at nagresulta sa pagsalpok nito sa tricycle na sinasakyan ng mga biktima.

Nasa kustodiya na ng Manabo-Philippine National Police sina Pastores at Bobiles makaraan mapatunayang nakainom ng alak bago ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …