Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 1 sugatan, 3 tiklo sa buy-bust

DALAWA ang patay at isa ang sugatan habang tatlo ang arestado, kabilang ang isang menor-de-edad, sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt.  Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, ang mga napatay na sina Manuel Diaz, 35; at Rowel Operio, 29, habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center si Joseph Magayones.

Sa imbestigasyon nina PO3 Romel Bautista at PO2 Adrian Paguian, dakong 4:30 pm nang ikasa ng mga awtoridad ang operasyon sa isang kubo sa Salay-Salay at Estimada streets.

Ngunit nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya nagpaputok ng baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek habang nasugatan ang isa pa.

Samantala, nadakip ang iba pang mga suspek na sina Jimbo Amami, 29; Jong Donaire, 28, at isang 15-anyos binatilyo.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …