HINDI pa naman sigurado, dahil hindi naman talaga sila gumagawa ng announcement kung sino ang kanilang judges hanggang sa araw mismo ng kanilang finals, may nagsabi sa amin na maaaring siNora Aunor ang isa sa judges sa taong ito sa Grand Finals ng A Song of Praise, o ASOP na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 7.
Ito iyong show na puro praise music na napapanood sa UNTV-37 tuwing araw ng Linggo at hino-host nina Richard Reynoso at Toni Gayda. Milyong piso rin ang aabutin ng mga premyo sa kanilang grand finals at ipinamimigay nila ng libre ang CD ng mga kantang kasali sa kanilang finals.
Si Aunor naman ay sinasabing sumali na rin sa Dating Daan, at sinusubaybayan nga ngayon ng relihiyosong grupo.
HATAWAN – Ed de Leon