Sunday , November 24 2024

Koreano at intsik na tulak ibinangketa!? (Attn: CPNP General Ronald “Bato” Dela Rosa)

Sa halagang dalawang milyon piso kapalit ng kalayaan ng isang Koreano at Tsinoy na sinabing pawang drug lord sa Ermita, Maynila, pinakawalan ng mga umarestong pulis-Maynila, kamakalawa ng gabi.

Wattafak!?

Ayon sa isang bulabog boy natin, isang call-a-friend lang daw ng isang opisyal sa Manila City Hall sa mga pulis na nakatalaga sa PACO Police Community Precinct sa ilalim ng Ermita police station (PS5) ay agad pinakawalan ang dalawang dayuhan.

Nadakip ang dalawa sa isang  buy bust operation sa Ermita, Maynila ng isang ex-SP02 “WD” at “PO2 G” at “PO2 C” matapos maghatag ng dalawang ‘mansanas.’

Umaabot umano sa tatlong kilong shabu ang nakompiska ng mga pulis at sa loob ng dalawang oras ay inalpasan agad ang mga suspek sa Paco PCP?!

Sonabagan!!!

Pumutok ang nasabing pagbangketa sa dalawang dayuhang tulak nang solohin ng Ninja cops ang perang nakulimbat sa dalawang drug pusher.

MPD district director SSUPT. Jigz Coronel, kayo na po ang bahalang mag-imbestiga sa impormasyon na ito!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *