CEBU CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagbibigti ng isang walong buwan buntis na ginang sa Purok 2-B, Barangay Cabawan, Tagbilaran City, Bohol.
Ayon kay Raul Lopena-NUP ng Tagbilaran Police Station, walang bakas ng foulplay na nakita sa katawan ng biktima ngunit patuloy pang inaalam kung ano ang dahilan nang pagpapakamatay ng ginang.
Napag-alaman, nitong Linggo ng madaling-araw nang matagpuan ng live-in partner na si Charlito Flores ang kinakasama na si Charlotte Sabejon, 22, habang nakasabit sa kisame gamit ang lubid.
Sa police report, galing sa isang lamay si Charlito nang matagpuan ang misis sa loob ng kwarto.