MALALA na talaga ang kondisyon ng actor /singer na ito.
Bilib na bilib naman talaga kami sa kanya simula pa man dahil saksakan naman talaga ito ng talento. Kung brain lang ang pag-uusapan, naku, winner siya at kapuri-puri. Yun nga lang, this time, hindi na naming palalampasin ang kanyang attitude dahil sobra-sobra na raw ang pagmamaganda nito.
Feeling daw niya ay sikat na sikat na siya. Feeling niya ay sobrang untouchabke na siya at yuyuko nalang ang lahat sa mga layaw niya.
May nangyari kasi lately na ikinaloka ng mga taong nakapaligid sa kanya. Wait lang huh! You’re a star. But you don’t have the right para magpaka-feeling important sa lahat ng bagay dahil tandaan mo, trabahante ka lang din sa network na pinagkukunan mo ng ikinabubuhay. Kalurks!
( Dominic Rea )