Friday , December 27 2024

ABS-CBN, 8 taon nang Best TV Station ng Star Awards

PINARANGALANG Best TV Station sa ikawalong pagkakataon ang ABS-CBN, ang nangungunang entertainment at media company sa bansa sa 2016 PMPC Star Awards for TV.

Nanguna rin sa mga parangal ang Kapamilya Network sa pagkilala ng iba’t ibang programa at bituin sa kategorya ng TV at Music.

Nakamit ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Best Primetime Drama Serieshabang Best Drama Actor naman si Coco Martin. Itinanghal din ang child actors na sina McNeal Briguela at Simon Pineda, na gumaganap bilang Makmak at Onyok sa hit teleserye, bilang Best Child Performer at Best New Male TV Personality.

Ang teleserye naming pinagbibidahan ni Julia Montes na Doble Kara ang Best Daytime Drama Series, habang sina Arjo Atayde at Aaron Villafloray kapwang kinilala bilang Best Drama Supporting bpara sa natatanging pagganap nila sa FPJ’s Ang Probinsyano at All of Me.

Humakot naman ng award si Luis Manzano bilang Best Male TV Host,Best Game Show Host, at Best Talent Search Show Host. Kahati ni Luis sina Robi Domingo at Kim Chiu sa Best Talent Search Host award.

Ang iba pang Kapamilya big winners sa PMPC ay sina Kim Chiu at XianLim (German Moreno Power Tandem of the Year), Anne Curtis (Best Female TV Host), Boy Abunda (Best Celebrity Talk Show Host at Best Public Affairs Program Host), Ria Atayde (Best New Female TV Personality), ASAP (Best Musical Variety Show), Goin’ Bulilit (Best Gag Show), Tonight with Boy Abunda (Best Celebrity Talk Show), Ipaglaban Mo (Best Drama Anthology), at RX Plus (Best Lifestyle Show).

Umani rin ng parangal ang ABS-CBN news and current affairs ng parangal kabilang na ang Best News Program (TV Patrol), Best Documentary Special (Politika at Pamilya, Sila Noon, Sila Pa Rin Ngayon), Best Magazine Show (Rated K), Best Educational TV Program (Matanglawin), at Best Public Affairs Program (Bottomline).

Kinilala rin ang personalities ng news and current affairs tulad nina Korina Sanchez (Best Magazine Show Host), Julius Babao (Best Public Service Program Host), Kim Atienza (Best Educational Program Host), Anthony Taberna, Jorge Carino, Atom Araullo, Amy Perez, Winnie Cordero, Ariel Ureta, at Gretchen Ho (Best Morning Show Hosts for Umagang Kay Ganda).

Nagningning din sa PMPC Star Awards for Music ang talent ng Kapamilya stars kabilang na sina Jed Madela (Best Male Recording Artist of the Year), Jolina Magdangal (Best Female Recording Artist of the Year), Marion Aunor (Best Female Pop Artist of the Year), Janella Salvador (Best New Female Recording Artist of the Year), Hashtags (Best Dance Album of the Year), Vice Ganda at Edward Benossa (Best Music Video of the Year).

Samantala, kinilala rin sina Arjo at Ria Atayde bilang Male at Female Star of the Night for Music, habang sina Luis at Yassi Pressman ay itinanghal bilang Male and Female Star of the Night for TV.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *