Tuesday , April 8 2025

2 bahay ng ex-lover ni De Lima ‘binaliktad’

DAGUPAN CITY — Hinalughog ng mga pulis ang dalawang bahay ni Ronnie Dayan, ang sinasabing dating driver-lover ni Senator Leila De Lima, sa Brgy. Galarin, Urbiztondo, Pangasinan upang ipatupad ang search warrant.

Ngunit hindi nadatnan ng mga awtoridad si Dayan at wala rin silang nakitang ano mang armas.

Tanging ang ilang kaanak at kasambahay ang nadatnan ng mga pulis.

Hinalughog din ang bahay ng ilang pulis na kinabibilangan nina PO1 Frankie Palisoc, miyembro ng PNP Urbiztondo; retired police na si Wilfredo Palisoc; Rodrigo Palisoc at William Licunan.

Nilinaw ng PNP, walang kinalaman ang kanilang hakbang sa sinasabing operasyon ng ilegal na droga sa National Bilibid Prisons (NBP) na kinasasangkutan ni Dayan kundi sa mga natatanggap nilang impormasyon na nag-iingat ang mga suspek ng matataas na kalibre ng armas.

Matatandaan, ipinaaresto ng Kamara si Dayan nang patawan ng contempt nang mabigong dumalo sa ipinatawag na pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa illegal drug trade issue sa Bilibid.

About hataw tabloid

Check Also

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

Bilang pagdadalamhati  
TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

NAGDEKLARA ng suspensiyon ang Technological University of the Philippines (TUP) Manila para sa face-to-face classes …

2 araw na Music Festival ng Taguig matagumpay

MATAGUMPAY ang idinaos na dalawang araw na Taguig Music Festival 2025 ng lungsod sa ilalim …

Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera

Bagong Henerasyon Partylist ‘pasok’ sa “winning circle”

LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Partylist, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *