Saturday , November 16 2024

Laborer patay sa torture ng 2 bayaw

GENERAL SANTOS CITY – Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng isang construction worker na nalagutan ng hininga sa pagamutan makaraan pasuin sa ari, pasakan ng kahoy sa bibig saka binugbog, inihulog sa tulay, dinampot saka itinapon sa imburnal ng dalawa niyang bayaw.

Kinilala ang biktimang si Gino Cuyan, 20-anyos, residente ng Tago, Brgy. Bawing, nitong lungsod.

Sa salaysay ng ama, noong Oktubre 15, binugbog ang biktima ng mga suspek na sina Aldrin Ting at Carcillo Gonsulan, kapwa bayaw ni Gino.

Pinasakan ng kahoy ang bibig, pinaso ng sigarilyo ang ari, inihulog sa tulay, dinampot at saka itinapon sa imburnal sa Park Ngilay sa nasabi pa ring barangay.

Kinabukasan, natagpuan ng ilang mga kabataan ang biktima at dinala sa pagamutan, ngunit tuluyan ding pumanaw.

Palaisipan ngayon ang dahilan kung bakit nagawa ng mga suspek ang karumal-dumal na krimen sa kanilang kaanak.

Pinaghahanap pa ang mga suspek na tumakas makaraan ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *