Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 Chinese drug lord napatay sa Cauayan shabu lab

CAUAYAN CITY, Isabela – Itinuturing ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa, big time drug lord ang dalawang napatay na Chinese sa raid sa shabu laboratory sa isang warehouse sa District 1, Cauayan City nitong Linggo ng hapon.

Pinangunahan ng PNP chief ang press conference dakong 8:00 am kahapon sa mismong gusali na kinatagpuan sa shabu laboratory.

Ayon kay Gen. dela Rosa, maituturing na big time drug lord ang mga napatay na sina Jixin Li Huang alyas Kim Punzalan Uy at She Cangbo dahil mayroon silang shabu laboratory.

Pinabulaanan niya na pasalubong ang isinagawang operasyon ng PNP sa pagdalaw sa Isabela ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nasa Ilocos na ang Pangulo nang i-report niya ang pagsalakay sa shabu laboratory.

Samantala, muling sinabi ni PDEA deputy director for operations Ricardo Quinto, wala pang finished product na nakuha sa bodega dahil nagsasagawa pa lamang ng testing ang dalawang napaslang.

Iimbestigahan din nila ang may-ari ng bodega na si dating Mayor Manuel Tio.

Samantala, inamin ni dating Mayor Manuel Tio na pag-aari niya ang bodega na inuupahan ni Kim Uy ng 40,000 kada buwan.

Dati aniyang palay buying station ang gusali ngunit binitawan niya ang negosyo sa Cauayan City nang maging lokal na opisyal ng Luna, Isabela.

Sinabi ni Tio na nakilala niya si Uy noong 2009 sa pamamagitan ng isa pang Chinese na si Edward Uy.

ni  FIDEL COLOMA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fidel Coloma

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …