Tuesday , April 1 2025

Hostage-taker na bangag todas sa parak (Babae, bata, sugatan)

PATAY sa mga pulis ang isang lalaking sinasabing bangag sa droga makaraan i-hostage ang isang batang babae, isang sanggol, at isang babae sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Peter Abingcula, ini-hostage ang isang 8-anyos batang babae at isang-taon gulang na sanggol na babae, gayondin ang 21-anyos na si Marian Famarin.

Ayon kay Supt. Boy Hernandez, hepe ng Dasmariñas City police, pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima sa Rembulat Compound sa Brgy. Salitran 1 at tinutukan ng kutsilyo ang mga biktima.

Ayon kay Hernandez, bangag sa droga ang suspek nang i-hostage ang mga biktima.

Aniya, napilitan silang pasukin ang bahay upang i-neutralize si Abingcula nang simulang saksakin ang mga biktima.

Nasugatan sa insidente ang dalawa sa mga biktima, kabilang ang 8-anyos batang babae at si Famarin,

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang dahilan ng suspek sa pag-hostage sa mga biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Andrew E SV Sam Verzosa

Andrew E ‘di nagpabayad; Sigaw ng Manileno SV Bagong Pag-asa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBANG klase talagang mag-perform ang isang Andrew E. Kapag siya na ang nasa …

033125 Hataw Frontpage

Pagkatapos ng meryenda at sitserya  
‘TEAM GROCERY’ BISTADO SA KONTROBERSIYAL NA CONFIDENTIAL FUNDS NG VP

HATAW News Team MATAPOS ang mga pangalan at apelyidong kahawig ng coffee shop, sitserya, at …

033125 Hataw Frontpage

Resulta ng survey
85% NG KABATAAN APRUB NA PATALSIKIN SI VP SARA

MAYORYA ng college students ang naniniwala na dapat mapatalsik sa kanyang puwesto si Vice President …

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan …

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *